“Punyeta Janet! Paano mo ba nilalabhan ang mga bra’t panty ng lola mo?!”
“Janet! Magwalis ka nga doon sa hardin!”
“Janeeeeetttt! Bilisan mo nga ‘yung pagtitimpla ng kape para sa Lola Carmen mo! My God, kung ako ang pagtitimplahan mo, ay aba, kanina pa kita pinagsigawan!”
Buong umagang sinira ng matinis na boses ni Nanay Sonia ang katahimikan ng aming sabdibisyon. Ay, oo nga pala, araw-araw nitong sinisira ang katahimikan ng sabdibisyon! Hindi lang araw-araw, 24/7 pa! Ganyan na nga kasi ang nangyayari sa pag-iisip at pag-uugali ng mga golden girls – masyadong mapag-amu-amuhan, madaling mainip, palagi na lamang nagagalit. Kahit pinakamaliit na tulo ng tubig sa sahig ay pinapagalitan ako. Gaya ng sinabi ko, magiging golden girl na kasi siya sa Sabado. Kung baga, fifty years old na siya. Fifty and fabulous, ika nga.
Hayan na naman: Pinagalitan na naman ako. Kahapon, sinabi niyang sobrang bilis ang paggamit ko ng kutsara sa pagtitimpla – ngayon nama’y sobrang bagal? Baka mas mabuti pang siya na lang ang magtitimpla – oo nga pala, magiging golden girl na kaya feeling donya at reyna ng buong Pilipinas si Nanay. Siguro pati yung mga tutubi sa hardin ay maaawa na sa akin at tatanungin ako kung ako ba’y si Cinderella. Parang si Cinderella kaya ang itsura ko: naka-kortong asul, sleeveless na pambahay na may ngumingiting itsura ni Mickey Mouse sa harapan, naka-ponytail ang buhok, at nakatsinelas. Kulang na lang, kausapin ako ng mga daga.
Pero wala namang daga sa bahay. All thanks to Lola Carmen. Si Lola kasi, masyadong neat-freak. Dapat yung mga baso sa kusina, lahat ay nakalagay sa ikawalong aparador sa kanan ng microwave oven. Dapat ang mga damit niya’y lahat nakaayos sa aparador ayon sa kulay – pinakakaliwa ang mga kulay pula, tapos orange, tapos yellow…in short, ayos-rainbow. Dapat lahat ng mga pinto’y nakasara at lahat naman ng mga bintana’y nakabukas (may screen kasi ang bawat bintana sa bahay). Walang kalat sa mga sahig, walang gamit na nakalagay sa kung saan-saan lang.
Hay naku, pakiramdam ko nga minsa’y parang preso ako dito sa tinirtirhan ko. Namatay na kasi ang mga magulang ko. Tatlong taong gulang pa lamang ako nung sumabog ang eroplanong sinasakyan nila sa gitna ng himpapawid. Ang mga sunog at sabog na mga katawan nila’y nahulog sa isang bundok sa Luzon, at ako nama’y tuloy na nahulog sa bahay ng aking sosyalerang lola at senyoritang tita na ngayo’y tinatawag ko nang ‘nanay.’

Pero kahit na simputi na ng Datu Puti Vinegar
ang buhok ni Lola at singkintab naman ng ginto yung kay Nanay (you know
naman, palaging nagpapa-parlor), sinikap pa rin nilang paaralin ako sa
isang pribadong paaralan sa loob ng aming sabdibisyon. Simula nang ako’y
itinapon ng mga winds of fate sa labas ng kanilang pintuan,
nagpakasakit talaga sila nang bonggang-bongga para lamang na ako’y
mapalaki bilang isang prinsesang Cinderella. Bakasyon ngayon, kung
kaya’t nandito ako palagi sa bahay at tumutulong kay Nanay sa
paglilinis, paglalaba, pagluluto, pagseserbisyo sa lola, at kung anu-ano
pang mga gawaing-bahay.
“Ano ba?! Hihintayin mo pa bang six feet below the ground na ako at saka lumabas diyan sa kusina?! Sabi ngang bilisan mo e!”
“Opo nay, parating na ho…”
Hayan, tuloy na napasigaw ulit yung nanay mula sa sala, kung saan nanonood siya ng pinakapaborito niyang noontime TV show – Pilipinas, Game KNB? (Crush ata nito si Papa Edu e.) Dahan-dahan akong lumabas mula sa kusina patungong kuwarto ni Lola. Napadaan ako sa sala at nakita kong halos nakaratay na ang would-be-golden-girl ng bahay sa sopa, ala-Cleopatra. Mula sa TV screen, umikot ang kanyang mga mata hanggang sa nakarating ang mga bolang kristal sa aking mukha.
“O ano? Manonood ka rin ba kay Papa– ng Game KNB?! Sige na, punta ka na doon sa kuwarto ng lola. Baka mamaya’y nakauwi na ang kuya mo mula sa States at hindi pa rin natanggap ng lola mo ang kape niya!”

Jackpot! Muntik ko na ngang makalimutan!
Darating pala ang kuya – well, technically, pinsan ko – mula sa Estados
Unidos. Mamayang takipsilim daw makakarating sa bahay. Kung may mas
malaking kabonggahan pa itong pamilya ko, e di si kuya na yun.
Charing darling kasi siya. Biruin mo, yung pangalan niyang Eric John, ginawang Erika Joanne! Kung ako ang tatanungin mo, napakasayang talaga ng kuya ko – matalino (Magna Cum Laude sa Nursing mula sa UP), macho gwapito (ala-Brad Pitt ang katawan), at napaka-gentleman pa. Ideal boyfriend nga, kaso lang, mas ginustong bansagang ideal girlfriend – at girlfriend nga ang nangyari sa kanya! Sa kanyang pinagtatrabahuhan bilang isang nars sa New York, nahanap niya raw last year ang sinasabi niyang “ideal boyfriend” niya - isang kapwa nars na nagngangalang Marc Anthony pero mas ginustong makilala bilang si Marie Antoinette. Teka lang, gusto rin ba nitong mapugutan ng ulo sa huli?
Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ni Lola, pero bago ako makapasok, narinig ko na kaagad ang kanyang kokak.
“Dzanit, nanjaan na ba ang kapi ku? Ay naku bata ka, ‘nina pa ko naghehentay dito sa umba-umba sa iyo. Halika nga.”
Lumapit ako sa rocking chair ng lola at dahan-dahang inilagay sa kanyang nakaunat na kamay ang tasa ng kape. Lalabas na sana ako nang biglang kumokak siya ulit.
“Nakarating na ba ang koya mo?”
“Mamaya pa ho, siguro mga six o’clock pa.”
“Ah… at seno nga ang kasama nun? Yung… yung girlpren raw? Si Maria Antonia…? Si…”
“Marie Antoinette ho... O pwede namang Marc Anthony – pumili lang kayo.”
Pero nahalata ko na ring hindi na nakikinig sa akin ang matanda. Sabi nga ng nanay, basta may kape lang, mabubuhay na talaga itong nerbyosang lola ko. (Eh, nasaan naman ang logic diyan?) Lumabas ako ng kuwarto nang biglang may sumigaw.
“Bobooooooooo! Pinakamataas na bundok sa Pilipinas, Mt Eberes? Hay naku, Papa Edu, kung bakit pa kasi yung mga ganyang klaseng kontestant pa ang pinipili ninyo e! Pero ang gwapo mo pa rin ha, in fairness...”
Hay naku, denial stage pa ata ito. Buong hapon akong tumulong sa nanay (pagkatapos ng Game KNB, of course) sa pagluluto at paghahanda ng isang bongga-bonggang hapunan para sa dalawang parating na mga Amerikana. Kare-kare, tinola, litsong manok (Sonia style), buko pandan, valenciana, palabok… hmmm, magugustuhan kaya ng mga Americanized na tiyan ang mga handa namin?

Simbilis ng pagtitimpla ko ng kape (ayon sa
standards ng nanay) ang paglipad ng oras. 4. 5. 6. 6:10. 6:15. 6:30. 6…
Ding dong! Nariyan na! Nasa kuwarto pa akong nag-aayos ng buhok, pero
feel na feel ko na ang charming at feminine presence ng magsyotang
bading sa labas. Pabilisan akong lumabas ng kuwarto at nanaog papuntang
sala, just in time lang para salubungin ang mga bagong dating. Dalawang
sexing naka-pink ang pumasok ng bahay, dala-dala ang kanilang pink na
mga maleta, bag, at kariton, at pawang nakasuot ng kulay pink na mga
dekwelyong body-fit. Kitang-kita ko nga yung mga… uh, labi ng bibiron
nila.
“Janet! My God, is that you?! Big girl ka na talaga! Kiss sister nga, kiss sister!” ang sigaw ng kuya na papalapit sa’king nagsesenyas ang bibig na halikan siya. Tumingin lang sa’min ang girlpren niya (nagseselos ata), saka nagkunwaring umubo.
“Ooops, oo nga pala. Everyone – Mommy, Lola, Janet – meet my darling, my one and only Marie! She’s the one that I’ve been telling you all about. You know, the beautiful angel that came my way during the strangest of times at the hospital. And we’ve been inseparable ever since!”
“Oi iha, ets su wanderpul to ab yu ear ha! Yur biri wilcam ear en our haus. Sana you wel injoy yur stay en da Pelipins!” ika ng lola kay Marie gamit ang papa-impress na Ingles niya. Basi sa nakataas na mga kilay ng Amerikana, hindi ata nakapasa ang Ingleserang matandang probinsiya.
“Ah… Erik, halika nga sa kusina at ihanda na natin ang hapunan… Tayo na rin, nay,” alok ni Nanay Sonia. Naiwan ako tuloy sa gitna ng sala na hinding-hindi alam kung ano ang gagawin ni sasabihin sa naiwang bading. Pero as of that moment, hindi ko naman talaga kailangang isipin pa kung ano ang sasabihin.
“So… soooo… You’re the Janet that I’ve always heard about… Your brother’s told me all about you…” ang sabi niya sa akin.
“Aaah… yes… I’m –”
“Hush! I’m not done yet. I just want to tell you this: Your princess days are over! O. V. E. R. Over! You may look like an angel, but let me tell you this: You’re not! Get it, crap?!”
O, e ano naman ang ginawa ko sa kanya?! Malditang Charing! Akala niya siguro’y maaapi-api niya lamang ako gamit ang gayspeak-English niya!
“Uh… and… what did I do to you again–”
“I don’t speak to adopted little fools!”
Tumalikod siya kaagad at lumabas ng sala. Tumayo lang akong nakabukas ang bunganga. Aha, so ganyan pala ang Marie Antoinette na ito. Buti nga, at alam ko na ngayon. In fact, talagang mabuting-mabuti na maaga pa lamang ay inilabas na ng plastik at mukhang-perang bading na yun ang tunay na kulay. At tinawag pa akong adopted little fool! Hmph, sige, titingnan natin kung sino ang magiging adopted little fool sa susunod na oras!

Palibot kaming nakaupo sa hapag-kainan (pabilog
kasi ang hugis): ako, si Nanay sa kanan, ang hampaslupang Marie
Antoinette ay nakaharap sa akin, si Kuya sa kanan niya, at si Lola naman
sa aking kaliwa. Ang sarap talaga ng litsong manok, lalo na kapag
iniimagine kong ang bading na yun ang manok na kinakain ko.
Habang nagkakarera sina Nanay, Lola, at Kuya sa paglalamon ng kare-kare, ako nama’y taimtim na hinahati ang paa ng manok sa aking plato. Halos hindi na kumakain ang bruha sa harapan ko na mukhang lumilipad ang pag-iisip sa tuktok ng Mayon. Kulay pula pala sa mga dulo ang maikli at naka-gel niyang buhok. Ang mga mata niya nama’y kulay asul (parang mga pekeng brilyante) pero ang mukha niya’y napapalibutan ng iba’t ibang uri ng tigyawat – maliliit na bagong silang, matured na halos sasabog na, at mga sabog na na nabubuhay pa bilang mga facial craters. Feeling prinsesa, pero looking gaga nga pala.
“Ikskyus mee Marie, way yur nat iting? Yu dun layk da pood?” ang masayahing tanong ng lola na kakatapos lamang lamunin ang isang hiwa ng patatas.
“No, it’s not that… It’sjustthatthefoodissimplyhideous… ahahahaha!” ang patawang sagot ng bruha.
Akala niya pala’y walang nakakaintindi ng mabilis na pananalita ng Ingles (si Kuya kasi busy pa sa tinola)… pero meron! Ako. The food is simply hideous. Bah, parang may ahas yata sa loob ng bahay – isang ahas na ang pagmumukha’y nilulunod na ng mga tigyawat. Hindi lang pala ako ang kinukontra at nililibak ng anacondang ito, pati na rin si Lola. At paano naman kokontrahin ng isang tao ang lola kung hindi niya kinukontra yung nanay? Ngayon ko lang na-realize na desperadong-desperado na pala si Kuya na makahanap ng syota noon – kung kaya’t nag-yes kaagad sa demonyang ito. Sige, simulan na natin ang World War III.
“… What Marie?! Did you just say that the food is hideous?! My goodness, no one says that to Lola!” ang sabi ko, gamit ang aking pinaka-horrified-at-mortified expression. Akala ko’y successful na ang melodrama ko nang makita ko ang nakasimangot at parang bumubukal na mukha ng Amerikana, nang biglang sumulpot si Kuya sa script.
“Janet! What are you saying ba?! Stop talking like that ha!” sabi ng kuya.
“Oo nga Janet, magbehave ka nga diyan,” dugtong ng nanay.
“Anu?... Anu ba pinag-aawayan nyu?” tanong naman ng lola. (Alzheimer’s ba ito?)
“Oh no, maybe Janet’s simply too tired… Silly people, come with me darling, let’s go upstairs and I’ll give you a massage!” ang plastik na anyaya ng bading.
Tumingin ang mga kapamilya ko sa akin at napilitan na lamang akong sumama sa bading papuntang… giyera! Heto na pala ang golden opportunity ko! Sige, gusto mong sumama ako sa iyo? Okaaaay, let’s go to war! Darna!

Pagdating ko sa second floor, naghihintay na ang
bruha sa pintuan ng kuwarto (?) niya. Pumasok ako at sinara niya ang
pintuan. Amoy Victoria’s Secret at demonya ang kuwarto.
“Let’s get things all started and clear, shall we?” ang sabi niya sa akin. Umupo lamang ako sa kama at tiningnan ang mga tigyawat niya sa ilong.
“HOW DARE YOU TRY TO SABOTAGE ME, YOU FOOL?! You think you can get away with all your princess-siness and all that “koya-koya” brouhaha?! I don’t think so! Listen to me brat: You are nothing but an adopted little fool!”
Aba, grabe palang mapikon ‘tong dyosa na ‘to! At pa-sabotage-sabotage pa! Tumingin siya sa akin at hinintay ang aking reaksyon. Ngumiti lamang ako.
“Fine! FINE! That’s all you can do?! Is that it?! That filthy ugly smile?! Well then, I suggest you smile all you want right now, because the moment I get to tell that brother of yours how rude you’ve been to me, we shall see! We shall see indeed, how your… princess-siness will help!”
Nilait ko lamang siya ng, “Oh, and I suppose my brother’s just gonna listen to what you’ll spit on his face?”
“Oh, I almost forgot – and thank you for reminding me! That brother of yours? HE’S AS BIG A PIECE OF CRAP AS YOU ARE! An airhead windbag who cares nothing less about patients than about his own blissful stolen virginity! That’s right! That’s your idiot of a brother! And you can smile all you want, no one’s gonna tell him how I hate him! You see, HE THINKS I’M SO OVER AND UNDER HIM! But no – I don’t like a single piece of her damned damsel-ness! And he doesn’t know a thing! He’s a fool! A moron! And I say this: Damn you! Damn him! DAMN THAT DEAF GRANDMOTHER OF YOURS!”
Hindi alam ng bruha na sinabihan ko ang kuya na sumama sa akin sa kuwarto para magkaroon kami raw ng sister-sister bonding time. Jackpot! Habang nagmomonologo ang bading sa harapan ko, biglang bumukas ang pinto. Lumitaw ang parang mamatay-ng-taong itsura ni Kuya sa pintuan.
“So… soooo… Very good… Very good indeed. Janet, go. To. Your. Room,” sabi ni Kuya. “As for you…”
Pero hindi ko na pinatapos ang pakikinig sa drama. Paglabas ko ng kuwarto, naroon din pala sina Lola’t Nanay. Apparently, tinawag din sila ni Kuya.
Kinabukasan, gumising ako na parang nasa kalangitan. Pinuntahan ko kaagad ang scene of the crime kagabi. Pagbukas ko ng pinto, wala nang ni isang kaluluwa ang naroon, maliban na lamang sa isang unan na parang natutulog sa sahig pagkatapos ng isang mahabang gabi. Nanaog ako sa kusina at naroon ang lola’t nanay na kinu-comfort ang humahagulgol na kuya. Mukhang buong magdamag hindi natulog ang tatlong babae.
“I gave him my life! I GAVE HIM EVERYTHING! And… And all this time… Styrofoam lang pala ang kasama ko!” ang paiyak na sigaw ni Kuya. Nakita nila akong nakatayo sa tabi ng rep at sinabihang umupo kasama sila.
“Janet… Janet… Thank you… So. Much,” sabi ni Kuya.
Break na sila. Officially. At opisyal na ring wala na akong karelasyong galing impyerno. Buong gabi pala silang nagsigawan at naghampasan ng unan sa harapan nina Nanay at Lola. Sa huli, tinawag ni Marie si Lola na isang “old b. i. t. c. h.” at yun na ang nagbigay ng sentensya sa bading. Pinaalis ng tatlo si Marie Antoinette at sinigurado pang naka-seat-belt ito sa loob ng isang taxi papuntang airport, dala-dala ang kanyang pink na maleta.
Dumating ang Sabado at kumain kaming apat sa isang engrandeng Chinese restaurant sa Malate. Fifty na si Nanay Sonia. Certified golden girl na. Si Kuya naman, nagbakasyon pa nang isang buwan bago bumalik sa States. Narinig ko sa isang telebabad nila nina Nanay na may nahanap na raw siyang bago roon – isang big-time na titser. Ako naman, patuloy pa rin ang kabonggahan, at patuloy pa rin ang pagseserbisyo at pagtitimpla ng kape para sa lola.
Well, as they say, life goes on. Hay…
Opo Lola, parating na ho yung kape ninyo.

END
No comments:
Post a Comment